I am posting it without editing! He he.
Sa Wakas Tapos Na!
By: Carmela (Yes, i want this name! LOL)
Nakakabingi
ang katahimikan sa loob ng Room 113. Walang gustong magsalita, ni ngumiti man
lang ngunit kita mo sa mukha ng lahat ang sabik, mahahalata mong tumatakbo sa
isipan ng lahat ang mga salitang,”Sa
wakas tapos na!”
Hindi ko maintindihan kung bakit
ganito ang pakiramdam. Kung bakit ganito ang takot na bumabalot sa araw na ito.
Halos lahat ng aking nakasalubong kanina ay tinatapik ako at nagsasabing, “Okay lang yan,” pero okay lang nga ba
talaga dahil sa wakas tapos na?
Napapikit na lamang ako. Ngunit unti unti
nanamang bumalik ang mga nangyari noong nakaraang linggo, hindi ko namalayang
may tumulo na pa lang mga luha sa mata ko habang naiisip ko sina Marie at Mary.
May mga bagay talaga sa mundo na hindi natin inaasahang mangyari. Minsan, labis
labis na saya ang naidudulot nito ngunit mas madalas labis labis na kalungkutan
ang naipapadarama nito.
Hindi
ko alam kung bakit o paano nangyari, ako mismo ay nagulat at nalungkot sa biglaang
pagpanaw nila Marie at Mary. Noong una
kong narinig ang balita akala ko joke time lang, pabirong sagot ko pa, “Uy huwag ka ngang ganyan sampung araw na
lang graduation na kaya! Gusto mo bang lumulutang sila suot ang mga toga nila?”
sabay tawa pa ng malakas, ngunit nabigla ako sa paghagulgol nila Cassandra at Melanie,
ang higpit ng yakap nila sa akin sa mga oras na iyon at kitang kita ko sa mga
mata nila ang labis na kalungkutan na ni minsan hindi ko nakita sa apat na taon
naming pagkakaibigan.
Tska ko lamang napagtanto na hindi nga ito
malaking biro, totoong pumanaw na sina Marie at Mary. Napatahimik na lamang ako
sa mga chismis na aking naririnig, naisip ko kaagad yung ngiti at malalakas na
halakhak namin sa loob ng room 113, yung mga kulitan at simpleng tampuhan, yung
mga pangarap nila sa buhay at pag-ibig na bigla biglang kinuha ni kamatayan.
Ang
daming bagay ang naglaro sa aking diwa noong araw na iyon hindi ko lubos maisip
na mawawalan ako ng mga matalik kaibigan sa panahong halos excited na ang lahat
na grumaduate at magtrabaho. Napaiyak ako, naging balisa, mahirap tanggapin na
hindi ko makakasamang magmarcha sina Marie at Mary.
Walong araw
bago ang graduation day, ako ang naatasan na magbigay ng Eulogy bilang
representate ng aming klase, ako raw kasi ang class president at higit sa lahat
close pa raw ako sakanila kaya maigi na ako na ang magsalita at magbigay ng
huling paalam ‘in behalf of our class and our clique.’ Napa-oo na lang ako.
Noong
gabi bago ang kanilang burol, sinubukan kong magsulat ng aking sasabihin para
kanila Marie at Mary pero isang oras na akong nakaharap sa aking laptop at
blanko pa rin, napahawak ako sa aking ulo sabay sambit, “Nakakainis naman! Mas mahirap pa ito kaysa sa thesis. Ang daya talaga!
Bakit ba ako ang kailangang gumawa nito? Dapat nga kasama rin ako sa
aksidenteng iyon e, tapos ngayon ako pa talaga ang gagawa nito? Shit naman o!”
Tumulo
nanaman ang mga luha ko at hindi ko napigilan na tawagan si Melanie. Limang minuto
na walang nagsalita sa amin, alam kong nararamdaman din ni Melanie ang hirap ng
pinapagawa sa akin. Siya na ang unang nagsalita, “Ella, mahirap man pero alam kong galing sa puso ang mga sasabihin mo at
hindi naman maarte sina Marie at Mary, ma-aappreciate nila iyan. I’ll see you
tomorrow. Bye”
Unti
unti kong sinimulan ang pagsusulat, naisip ko pang baka pwedeng impromptu na
lang, pero pakiramdam ko mas nanaisin nilang ready ako, mantra pa naman namin
sa grupo, “Be ready always para iwas sakit ng ulo.” Pero pakiramdam ko rin
tinatawanan nila akong dalawa, dahil heto nanaman sila hinahayaan akong maging
paranoid, siguro nga dalawa sila sa pinaka nakakakilala sa akin sa aming
seksyon.
Marie,
salamat sa ngiti at mga walang katapusang kwento mo. Kahit stressed na ang
lahat sa Markstrat o sa TVProd o kaya naman sa wagas na pagrerevise ng
instrument sa thesis, nagagawa mo pa ring pagaanin ang loob namin. Mamimiss ko
ang pambabara mo kay Fredo, ang pagtawa mo tuwing backstabbing Fridays,
paglalakad natin sa UST tuwing meron tayong 9pm class, ang madalas kong
paghingi ng baon mong pagkain at higit sa lahat ang walang humpay mong pagsama
sa akin sa CR at sa drinking fountain. Marie, isa ka sa dahilan kung bakit ako
nagstay sa kurso natin kahit na gustong gusto ko nang magshift sa Psychology,
at sa araw ng graduation, para sayo ang diploma na aking tatanggapin.
Habang binabasa ko ang aking eulogy,
pilit kong pinipigil ang mga luha ko. Papanindigan ko na ang pagiging strong at
brave kahit na binging bingi na ako sa katahimikan sa loob ng simbahan at
tanging mga mata lamang ng mga taong nagpunta sa misa ang nagpapahiwatig na
hindi ordinaryo ang araw na iyon. Pinagpatuloy ko ang pagsasalita…
Mary,
salamat sa pakikinig sa akin kahit sobrang hysterical mode na ako, salamat sa
pagtitiwala sa akin sa tunay na nararamdaman mo kay AJ at sa iba mo pang mga
crush at higit sa lahat salamat sa mga ngiting iniwan mo sa akin. Mamimiss ko
ang pangongolekta mo ng class fund, ang pagsabi mo ng loser at cricket sa
tuwing kami ay magjojoke, ang mga pasimple mong pambabara, ang paghila mo kay Marie
dahil hinahabol na ninyo yung train at lalo sa lahat ang mga biglaang heart to
heart at panic moments na kasama kita. Mary, isa ka sa dahilan kung bakit ako
nagstay sa kursong ito kahit na labis labis kong gustong magshift sa
Psychology, at sa araw ng graduation, para sayo ang diploma na aking
tatanggapin.
Sa
kanilang pamilya, lalo na sa kanilang mga magulang, alam ko pong masakit at
mahirap tanggapin ngunit kailangan nating maging masaya at magpasalamat na nasa
mabuti na silang kamay. Ako po ay hanga sa inyong pagpapalaki sa kanila.
Lumisan man sila ng maaga, ngunit natamo na nila ang tunay na buhay, sapagkat
marami kaming makakaalala sakanila habang kami ay nabubuhay.
Hindi
man namin makakasama sila Marie at Mary sa darating na Sabado, alam kong kasama
pa rin namin silang magtatapos sa kolehiyo. At bukas, alam kong kasabay rin namin
silang lalabas sa Arch of the Centuries gaya ng sabay sabay naming pagpasok
roon noon.
Pumalakpak ang mga tao, hindi ko
alam kung tama pero pumalakpak sila. Pagbaba ko sa altar, niyakap ako ng mommy
ni Mary, wala man siyang sinabi pero alam kong masaya siya sa kanyang mga
narinig. Ang mommy naman ni Marie ngumiti lang sa akin.
Tunay
ngang ang kamatayan ay bigla bigla na lamang darating sa panahong hindi natin
inaasahan. Akala ko maghihiwala hiwalay lamang kami dahil sabay sabay na naming
papasukin ang mundong aming pinili, ngunit may mga bagay talagang kailangang
mangyari upang bigyan tayo ng paraan upang makita ang realidad ng buhay,
realidad na minsan hindi mo gustong makita o malaman. Realidad na maaring
tinatakbuhan mo o pilit na hinahabol. Realidad na pilit mong kinakalimutan o
tinatanggap. At sa sitwasyon naming lahat, realidad na wala na sina Marie at
Mary dahil sa isang train accident na kumitil sa kanilang mga buhay.
Maya-may
nagulat ako sa pagkatok ng isang student volunteer, kailangan na raw pumunta ng
Sports Complex. Pinunasan ko ang mga namuong luha sa gilid ng aking mga mata at
bago ko maibaba ang aking kamay, inabot ito ni Cassandra at sinabing, “Wala kang kasalanan Iella, tara na!”
Ang
higpit ng mga yakap ng aking mga kaibigan, lumuluha ang lahat sa kasiyahan at
sabay sabay ang pagsigaw ng “UST thank you dahil sayo graduate na kami!” Ang
sarap pakinggan, ang sarap isigaw na oo, tapos na nga! At gaya ng
pinagkasunduan naming noong first year tinakbo namin ang fountain na nasa
Quadricentinnial Park at nagpapicture sa estatwa ni Piolo Pascual
